Friday, March 16, 2018

Mula sa Tanay, Rizal ay bumiyahe ako sa Antipolo, Rizal upang pasukin at makita ang ganda ng "Pinto Art Museum".At namangha ako sa mga likhang sining na makikita sa loob nito.

Sa loob ng museyo ay may mga sining na hindi lang nakakaakit sa paningin kundi punong-puno din ng kahulugan at mensahe. Sa mga ito ay pumili ako ng walo na nakita ko ang aking sarili, pamilya, kaibigan, at ang aking bayan.








"HULING DUETO"
Emmanuel Garibay

Oil on canvas
102 x 76 cm
2004

Nakikita ko ang aking sarili sa likhang ito dahil sa hilig ko sa musika at pagtugtog kasama ang aking mga kaibigan.




"KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO"
Jaypee Samson

Oil on canvas
122 x 91.5 cm
2006

Ipinapakita sa sining na ito ang dalawang taong nagmamahalan hanggang sa kanilang pag-tanda na siyang nais ng sinoman sa taong kanilang minamahal.



"HOLY ON SUNDAYS"
Geraldine G. Javier

Oil on canvas
125 x 93 cm
1999

Para sa akin, ang kahulugan nito ay ang paggawa ng mga kasalanan at pagkakamali ng sinoman sa kabila ng paglilingkod at paniniwala sa Diyos, Na hindi lahat ng nagsisimba tuwing araw ng linggo ay hindi na nagkakasala.




"NANAY"
Mark Justiniani

Oil on canvas
92 x 122 cm
1999

Sa sining na ito ay ipinapakita ang tunay, wagas at walang kapantay na pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Tulad ng sining na ito ay ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ng aking ina na nais kong masuklian.



"SUSTANSYA NG LANGIT"
Pogs Samson

Acrylic on canvas
72 x 120 inches
2016

Ipinahahatid ng likhang ito na lahat ng biyayang ating natatanggap at ang iba'y sinasayang, ay nagmumula sa ating Diyos na nasa itaas.




"MY MOTHER'S COLORS"
Raffy T. Napay

Thread and textile on canvas
152.5 x 122 cm
2011

Isa pang sining na nagpapakita ng pagmamahal ng isang ina. Na handa niyang isakripisyo lahat, maging ang kaniyang sarili para sa ikaliligaya at ikabubuti ng kaniyang anak.





"DELETE MO"
Antipas Delovato

Digital print on can
7.75 x 6.12 x 6.12 inches
2015

Isa ito sa pumukaw sa aking pansin sa loob ng Museyo, dahil sa malikhaing pamamaraan ng may likha nito at sa malalim na ipinahahatid nito sa tao. Pinatutungkulan nito ang maling sistema ng ating gobyerno.






"SALITA"
Jerson Samson

Epoxy, build up
1.37 x W26 x H62 inches (life size)
2017

Gaya ng makikita sa likhang ito, may mga bagay o mensahe na nasa loob ng ating isip at puro ngunit hindi mailabas ng ating bibig. Dahil sa hiya o maaaring takot ka na baka may masaktan ka sa iyong sasabihin.

No comments:

Post a Comment